Nagsindi ng kandila
at inawit ang Pasion.
Penitensya ang handa
sa ating pagtitipon.
Nalasing sa pagdasal
at bawal ang magsaya.
Nabusog sa pagnilay
ang puso’t kaluluwa
At namatay si Hesus
sa aking kaarawan,
bulong ng aking diyos
na may bukas pa naman.